Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 31, 2024

- Bagyong Leon, nagdudulot ng malalakas na alon, ulan, at hangin sa Cagayan at Batanes | Office of Civil Defense at AFP, naka-red alert dahil sa Bagyong Leon

- Mga tauhan ng Manila Police District at Manila DRRMO, handa para sa anumang emergency sa sementeryo | Inaasahang aabot sa 500,000 ang bibisita sa Manila North Cemetery ngayong araw

- Ilang sementeryo, pinangangambahang bahain ulit dahil sa Bagyong Leon | Masukal na bahagi ng Roman Catholic Cemetery, napapasok na matapos tambakan ng lupa | Traffic rerouting scheme, ipatutupad sa ilang pangunahing kalsada para sa Undas

- Ilang pasaherong pauwing probinsiya, maagang bumiyahe; ilang biyahe pa-Daet, Camarines Norte, fully-booked na | Ilang biyahe pa-Baguio, fully-booked na; ilang terminal, nagdagdag ng bus

- Inaasahang pagdagsa ng mga pasahero, pinaghahandaan sa Cebu South Bus Terminal | Special permit para sa 50 bus na papuntang Negros island, inilabas ng LTFRB-7 | Ticket booths sa terminal, dadagdagan; seguridad, pinaigting

- Ilang pauwi ng probinsya, balak magtinda ng mga bulaklak sa sementeryo ngayong Undas | Ilang pauwi sa Occidental Mindoro, nangangambang hindi makabiyahe kung magpapatuloy ang masamang panahon | Ilang bibiyahe pa-Baguio, maagang lumuwas para iwas sa dagsa at aberya sa biyahe

- Mga bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, maagang dumating sa Roman Catholic Public Cemetery

- Masamang panahon, perwisyo sa mga magsasaka | Mga magsasaka sa bayan ng Sta. Cruz, tuloy-tuloy ang pag-aani ng palay | Ilang magsasaka, umaasang may maaani pang palay sa kabila ng pag-ulan; iniisip kung paano magsisimula ulit

- Ulan at hangin, bahagyang humina; mga alon, matataas pa rin | Malalaking alon, naminsala ng ilang bahay sa tabing-dagat

- Ilang mamimili, namakyaw ng mga bulaklak sa Dangwa para sa Undas | Mga mamimili sa Dangwa, mas dumami pa ngayong bisperas ng Undas | Presyo ng bulaklak, wala raw gaanong ipinagbago, ayon sa ilang nagtitinda

- Mga umuuwi pa-probinsya, maagang pumunta sa NAIA

- Mga pasahero, sunod-sunod ang dating sa Batangas port; pila ng mga cargo trucks at pribadong sasakyan, mahaba

- Parada ng mga naka-skeleton costume, bahagi ng paggunita sa araw ng mga patay | Mga lumahok sa pagpa-paddle sa Danube River, nakasuot ng halloween costume | Dambuhalang pumpkin, ginamit bilang bangka sa isang kompetisyon | Ilang cosplayer, bumida sa isang event sa paris bago ang halloween | Mural paintings sa isang sementeryo, likha ng ilang national at foreign artist para sa araw ng mga patay

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.